Muling bumuwelta si Pangulong Rodrigo Duterte kay Senador Manny Pacquiao kaugnay pa rin sa paratang nitong lumala ang katiwalian sa gobyerno.
Sa Talk to the Nation kagabi, iginiit ni Pangulong Duterte na imposible ang akusasyon ni Pacquiao na may nawalang P10 billion sa government funds dahil sa korapsyon.
Ayon sa punong ehekutibo, “suntok-lasing” lamang ang ginagawa ni Pacman dahil hindi naman nito alam kung ano ang kanyang pinagsasabi.
“Mga kaibigan ko wag kayo maniwala riyan, 10-B ko mawala. That is the work of ah, I have a term for that it is not mine I just barrow it, but I think Pacquiao is Punch-drunk he is talking about 10-B iyon from nowhere papayag ba naman ako na hindi lang yan papayag ba kami papayag ba ang mga secretary ng mga departamento na papayag na ganon ang nawala 10-B that is a saying coming from a guy who is punch drunk.” Pahayag ni Pangulong Duterte
—sa panulat ni Drew Nacino