Nagpahiwatig si Fighting Senator Manny Pacquiao ng posibleng laban kay UFC Lightweight Champion Conor McGregor sa susunod na taon.
Ginawa ito ni Pacquiao sa pamamagitan ng pag – post ng hashtags na #2018 at #realboxingmatch nang batiin niya ng “Happy Thanksgiving!” si McGregor sa kanyang Instagram account.
Kalakip ng naturang pagbati ang larawan ni McGregor.
Matatandaan na unang nakaharap ng UFC Champion sa ring ang world champion na si Floyd Mayweather Jr. kung saan nakaranas siya ng technical knockout sa ika – 10 round.