Pinakamayamang kongresista at nag-iisa pa ring bilyonaryo sa kongreso si Sarangani Rep. Manny Pacquiao.
Batay sa Statement of Assets Liabilities and Networth o SAL-N ni Pacquiao para sa taong 2014, mayroon itong P1.6 bilyong networth na mas mataas sa kanyang P1.345 bilyon noong 2013.
Itinuturing namang pinakamahirap si Anakpawis Rep. Fernando Hicap na nagdeklara ng P95,572.65.
Pangalawa sa pinakamayaman si Speaker Feliciano Belmonte Jr., na mayroong P921.559 milyon habang pangatlo naman si dating First Lady at ngayon ay Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos na may P917.8 milyong networth.
Samantala, pang-apat naman si Negros Occidental Rep. Alfredo Benitez na may P845.928 milyon at sinundan ni Negros Occidental Rep. Julio Ledesma na may P822.275 milyon.
By Jelbert Perdez | Jill Resontoc (Patrol 7)