Inialay ni People’s Champ Manny Pacquiao sa mga taga – Marawi City ang kanyang magiging laban kay Jeff Horn ngayong Linggo.
Nagpasalamat si Pacquiao sa mga dasal at suporta ng mga Pilipino lalong-lalo na ang mga residente ng Marawi City.
Sinabi ni Pacquiao na plano nyang bumisita sa naturang syudad at mamahagi ng tulong pagkatapos ng kanyang laban.
Samantala, tiwala ang kampo ng Fighting Senator na mapababagsak nito ang Australyanong boksingero.
Ayon sa adviser ni Pacquiao na si Michael Cons, posibleng magtagal lamang ng sampung (10) minuto ang bakbakan bago tuluyang mapatumbak ni Manny ang kanyang kalaban.
Kumpyansa naman ang assistant training coach ni Pacquiao na si Buboy Fernandez na nasa magandang kondisyon ang boksingero at maayos ang foot work nito.
By Rianne Briones