Posibleng makaharap ni Pambansang Kamao Manny ‘Pacman’ Pacquiao ang Ukranian champion na si Vasyl Lomanchenko sa kanyang pagbabalik sa boxing ring.
Sinabi mismo ni Pacquiao na umuusad na ang pag-uusap ng kanyang kampo at ni Lomanchenko.
Target umano nitong sumabak muli sa laban sa Abril kung saan naka-break ang Senado.
Una na dito, ipinabatid ng kanyang promoter na si Bob Arum ang posibleng comeback ni Pacquiao sa showdown nina Terence Crawford at Jeff Horn sa Abril 21.
Samantala, binalewala ni Pacquiao ang mga panawagang huwag na siyang bumalik sa boxing matapos matalo sa nakaraan nitong laban kay Horn.
Ayon kay Pacquiao, nami-miss na niyang muling makipagbakbakan sa loob ngboxing ring.