Idineklara ni Hall of Famer Coach Freddie Roach na “ready to rumble” na si Senator Manny Pacquiao para sa laban sa Linggo kontra kay WBO Welterweight Champion Jessie Vargas.
Ginawa ni Roach ang pahayag makalipas na matapos na ni Pacman ang umaabot sa 90 rounds ng sparring sessions, 200 rounds ng mitts at 3,000 milya sa pagtakbo.
Una nang sinabi ni Pacquiao na babawin niya ang kanyang korona.
Ang nasabing championship belt ay unang nang naagaw sa kanya ni Floyd Mayweather Jr.
By Mariboy Ysibido