Binalaan ni dating Akbayan Partylist Representative Walden Bello na sasampahan niya ng kasong kriminal si 8-Division World Champion at Sarangani Representative Manny Pacquiao.
Ito ay kung itutuloy pa rin ni Pacquiao ang laban nito kontra Timothy Bradley sa Abril 10.
Ayon kay Bello, isasampa niya ang kanyang reklamo sa Commission on Elections (COMELEC) Law Department at sa iba pang judicial institutions.
Ang pahayag ay ginawa ni Bello kasunod ng desisyon ng COMELEC En Banc na hindi nila haharangin ang nakatakdang laban ng Pambansang Kamao.
By Meann Tanbio