Tinaningan ni Top Rank Promotions CEO Bob Arum si Manny Pacquiao ng hanggang ngayong linggong ito para makapili ng makakalaban bilang retirement fight sa susunod na taon.
Sinabi ni Arum na pinapunta niya sa Israel ang adviser ni Pacman na si Michael Koncz para personal na ihatid ang video ng mga laro ng 3 boksingerong pinagpipiliang makasagupa ng pambansang kamao sa huling pagkakataon.
Kabilang sa pinagpipilian sina Amir Khan, Terrence Crawford at Timothy Bradley.
Si Pacman at pamilya nito ay nasa Israel para sa bakasyon.
By Judith Larino