Ipinahiwatig ni 8 division world champion Manny Pacquiao na may ilang laban pa ito bago tuluyang isabit ang kanyang boxing gloves.
Ito ay taliwas sa naging pahayag ni Top rank CEO Bob Arum na may isang laban na lamang ang pambansang kamao bago magretiro dahil sa ambisyon aniyang tumakbong senador ni Pacquiao.
Ayon kay Pacquiao, pabayaan na lamang at huwag nang pansinin pa ang mga naging pahayag ni Arum.
Giit ni Pacquiao, siya at wala nang iba ang nakaka-alam sa lagay at kakayahan ng kanyang pangangatawan.
Gayunman, nananatiling tahimik si Pacquiao sa balitang tatakbo nga itong senador sa 2016.
Matatandaang sa mga naunang pahayag ni Pacquiao, plano ng kampo nito na lumaban sa Abril sa susunod na taon sa hindi pa pinapangalanang kalaban.
By: Ralph Obina