Isandaang porsyento (100%) nang handa at naka-kondisyon na si Fighting Senator Manny Pacquiao para sa laban nila ni Australian Boxer Jeff Horn sa Hulyo 2.
Tiniyak ito ni Assistant Trainer Buboy Fernandez matapos sumalang sa sampung (10) rounds ng sparring si Pacman noong Huwebes kung saan tig-tatlong (3) rounds ito kina Pinoy Boxer Sonny Katiandagho at Australian na si George Kambosos, Jr. at apat (4) na rounds naman kay Mexican Adrian Young.
Ayon kay Fernandez, matapos marating ni Pacquiao ang peak, pababa na ang kanilang training at kailangan na lamang itong i-maintain hanggang sa mismong araw ng laban.
Tikom naman ang bibig ni Fernandez hinggil sa fearless forecast niya kaugnay sa Pacquiao – Horn bout at mahalagang mapasakamay pa rin nila ang korona.
Lilipad papuntang Australia ang Team Pacquiao sa Hunyo 24 sakay ng isang 300 seater plane mula sa General Santos City.
By Judith Estrada – Larino