Kapwa pasok ang timbang ng dalawang nakatakdang magtunggaling boksingero na sina Pambansang Kamao Manny ‘Pacman’ Pacquiao at makakalaban nitong si Adrien brOner sa 147-pound limit sa kanilang isinagawang official weigh-in sa MGM Grand Las Vegas, Nevada.
Tumimbang ng 146 pounds si Pacquiao habang 146.5 pounds naman si Broner.
Bagamat may kalakihan ang katawan ni Broner kumpara sa built-in ni Pacquiao ay kumpiyansang magkakaroon ng isang mainit na laban ang dalawang boksingero.
Nakatakdang idepensa ni Pacquiao ang kanyang WBA welterweight belt laban kay Broner bukas, oras dito sa Pilipinas.
—-