Masyadong malakas si 8-division world champion Manny Pacquiao para sa Australian boxer na si Jeff Horn.
Ito ang paniwala ng veteran referee na si Bruce Mctavish sa gitna ng inaabangang laban ng dalawa sa Abril.
Ayon sa 76-taong gulang na boxing official, kung record lamang ang pagbabatayan ay tiyak na lalamunin ng buhay ni Pacquiao si Horn sa kartadang 59 wins, 6 loss at 1 draw kabilang ang 38 knockouts kumpara sa 16-0-1 ng 28-anyos na welterweight contender.
Masyado anyang “Hinog sa Pilit” at hindi pa handa si Horn na sagupain si Pacman at maituturing na mismatch ang dalawa kaya’t hindi malayong bumagsak agad o hindi abutin ng round 5 ang Australian fighter kung tatamaan ng matinding suntok mula sa People’s Champ.
Pinayuhan naman ni Mctavish si Senator Pacquiao na labanan na lamang ang mga katulad ni WBO-WBC Light Welterweight Champion Terence Crawford na kasalukuyang nasa rurok ng kanyang boxing career na isa ring “dekalibreng” boksingero.
By Drew Nacino