Nilimitahan na ng team Pacquiao ang matindihang pagsasanay ni pambansang kamao at senador Manny Pacquiao.
Ito ay isang linggo bago ang sagupaan nila ni WBO Welterweight Champion Yordenis Ugas.
Ayon sa ulat, binawasan na ang sparring session ni Pacman dahil na sa kondisyon na ang katawan nito.
Ayon naman kay David Sisson, ang personal assistant ng pambansang kamao, araw ng martes oras sa Pilipinas tutulak patungong Las Vegas ang team Pacquiao. —sa panulat ni Rex Espiritu