Itinuturing ng PDP-Laban na best choice upang kumandidato sa presidential election sa susunod na taon si Sen. Manny Pacquiao.
Ito ang inihayag ni PDP-Laban Executive Vice Chairman-Sen. Koko Pimentel, kasabang ng paghimok kay Pacquiao na opisyal ng ihayag ang kanyang kandidatura sa buwan ng Agosto o Setyembre, o di kaya’y bago ang paghahain ng certificate of candidacy sa darating na Oktubre.
Kumbinsido umano si Pimentel na pinaghahandaan na rin ito ng senador na mula sa general santos city, lalo na’t marami na aniya itong ideya, mga programa at plataporma na para umano sa mga Pilipino.
Ayon kay Pimentel, ibat-ibang sektor at socio economic class ang nagpahayag na ng suporta sa pagtakbo ng senador sa nalalapit na eleksyon.
Makikita rin aniya sa boxing senator ang pagiging isang mabuting lider dahil sa dami aniya ng humihingi ng tulong.
Ito aniya ang dahilan kung bakit nanguna sa mga senatorial surveys si Pacquiao.
Samantala, hindi naman inaalis ni Pimentel ang posibilidad na may sikretong agenda ang ipinatawag na PDP-Laban general assembly sa Cebu ni party-leader energy secretary alfonso cusi lalo na’t hindi umano pinasama at kinonsulta dito si Sen. Pacquiao.
Binigyang diin ni Pimentel na di nila papayagan ang ganitong klase ng sikretong agenda lalo nat may mga bago aniyang miyembro ang partido tulad na lamang umano ni dating pangulong gloria arroyo at ilan nitong mga taga-suporta sa Lakas-CMD party.