Sabik na sabik nang makita at makaharap ng personal ng Cambodian Prime Minister na si Hun Sen ang pambansang kamao at Senador Manny Pacquiao.
Si Prime Minister Sen ang isa sa mga number one fan ng fighting senator.
Ayon sa ulat, maglalalaan ng red carpet ang Prime Minister ng Cambodia para sa iniidolo nitong boksingero.
Matatandaang si Prime Minister Sen ay pumusta kay Pacquiao sa laban ng Pambansang Kamao kontra kay undefeated boxer Floyd Mayweather Jr.
Nang matalo si Pacquiao kay Mayweather noon ay hindi nagbayad ng pusta ang Punong Ministro dahil sa paniniwalang si Pacman ang tunay na nanalo sa naturang bakbakan.
Si Pacquiao ay kasama sa delegasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na bibisita sa Cambodia.
By Ralph Obina