Binisita ni Senador Manny Pacquiao ang mga sundalong patuloy na nakikipagbakbakan sa Maute Group sa Marawi City.
Alas-9:00 kaninang umaga nang dumating sa Marawi si Pacman na winelcome ng mga military officials.
Si Pacman ay iniskortan ng mga sundalo papasok sa briefing room ng Task Force Marawi na nagbigay sa kanya sa update hinggil sa estado ng bakbakan sa lungsod.
Sinabi sa DWIZ ni Pacman na nagkaloob siya ng mga relief goods sa mga sundalo at nakipag-usap sa mga ito para i-boost ang kanilang morale.
“Masaya sila at nagdala tayo ng konting tulong sa kanila, nagbigay ako ng mensahe sa kanila at nagbigay ng encouragement. Mangiyak-ngiyak sila na hindi nila inexpect na mabisita natin sila, gusto natin na mabigyan ng morale support, sabi ko sa kanila ipagpatuloy nila ang pakikipaglaban para sa kapayapaan natin.” Ani Pacquiao
Kasabay nito, nanawagan din si Pacman sa publiko na ipagdasal ang mga sundalong patuloy na nakikipagbakbakan laban sa Maute terror group.
“Ang hiling lang nila ay ipagdasal natin sila, ng mamamayang Pilipino, na hindi sila mapahamak at wala nang buhay na madamay sa labanan.” Pahayag ni Pacquiao
By Krista de Dios | Usapang Senado Interview