Inabot ng halos tatlong buong araw ang isolation at pahinga ni pambansang kamao Manny Pacquiao para maka-recover sa kanyang nakaraang madugong pakikipagsagupaan kay Cuban Boxer Yordenis Ugas.
Matapos ang naturang laban , bumalik si Pacman sa kanyang bahay sa Los Angeles nitong Martes ng hapon, Agosto 24, at tumatanggap na rin ito ng mga bisita.
Unti-unti na ring gumagaling ang mga natamo nitong sugat sa nakaraang laban at pinayuhan ng mga doktor na ipagpatuloy lamang ang kanyang pahinga.
Nang tanungin naman tungkol sa politika ay pinili nitong hindi muna magbigay ng komento.
Ibinahagi naman ni Pacman na gusto muna niyang bumawi ng lakas bago bumalik sa Pilipinas.—sa panulat ni Angelo Baino