Kinumpirma ni 8-division world champion at Senador Manny Pacquiao na hindi pa niya tinatapos ang kanyang basketball career sa kabila ng pagiging abala sa boxing at mambabatas.
Ito ang nilinaw ni Pacman sa kabila ng matagal na pagkawala sa PBA partikular sa Mahindra Floodbuster.
Ayon kay Pacman, wala pa siyang planong magretiro sa PBA at tinitiyak niyang anuman ang gawin bukod sa pag-boboxing ay hindi ito makaaapekto sa kanyang trabaho sa Senado.
Bagaman dalawang posisyon pa rin ang hawak ni Pacquiao sa Mahindra, ang pagiging coach at point guard ay matagal nang walang practice ang People’s Champ sa basketball court.
Maglalaro sana ang Pambansang Kamao noong linggo subalit na-delay ang kanyang flight.
Sa ngayon ay eliminated na ang Mahindra sa All Filipino Cup makaraang patumbahin ng Alaska Aces sa score na 107-91.
By Drew Nacino