Tuloy na ang laban sa pagitan nina boxer-Senator Manny Pacquiao at Australyanong si Jeff Horn sa Hulyo 2, araw sa Maynila.
Ito ang naging kumpirmasyon ng adviser ni Pacquiao na si Mike Koncz, matapos aniya pirmahan ng Pambansang Kamao ang kontrata para depensahan ang kanyang WBO welterweight title.
Ayon naman kay Top Rank CEO Bob Arum, may mga maliliit na detalye na lamang silang isinasapinal para sa laban, na planong isagawa sa Suncorp Stadium sa Brisbane.
Matatandaang muntik na maudlot ang Pacquiao-Horn fight dahil sa paglutang ng pangalan ni Amir Khan, na kalaunan ay hindi rin natuloy dahil sa di pagkakaunawan sa pinansiyal na aspeto.
Kasunod nito, sabik na si Jeff Horn sa laban nila ni Pacquiao.
Itinuturing ng Australian undefeated boxing champion na dream fight ang paghaharap nila ng fighting senator.
Dahil dito, tiniyak ni Horn ang matinding paghahanda niya sa nasabing laban.
Siniguro naman ng promoter ni Horn na magkakaroon ng 200 million dollar economic benefits ang Queensland na makakaakit ng mas maraming turista dahil sa nasabing bakbakan.
Hindi naman papayag ang team Pacquiao na matalo kay Horn.
Sa katunayan ay isang quick win ang pinaplano ng kampo ni Pacman sa nasabing laban.
By Krista de Dios | Judith Larino