Hindi na matutuloy ang inaabangang rematch nina dating 8th Division World Champion Manny Pacquiao at WBO Welterweight Champion Jeff Horn.
Ito ay makaraang umatras ang Pambansang Kamao dahil umano sa conflict sa iskedyul.
Dahil dito, posibleng sa 2018 na magharap muli ang dalawang boksingero.
Ayon sa Australia, bukas sila ngayon sa sinumang maaaring makalaban ni Horn kasabay ng pagtiyak ng suporta sa kanilang pambato.