Malabo nang maisakatuparan ang inaabangang rematch sa pagitan ni WBO Welterweight Champion Jeff Horn at dating 8-Division World Champion Manny Pacquiao sa 2018.
Ayon kay Top Rank CEO Bob Arum, base sa kautusan ng World Boxing Organization o WBO ang sinumang mananalo sa laban ni Horn at ng UK fighter na si Gary Corcoran sa darating na Disyembre 13 ay may mandatory title defense kay Terrence Crawford.
Dahil dito, mainam ayon kay Arum na maghanap na ng ibang makakalaban si Pacquiao.
Matatandaang kinansela ni Pacquiao ang dapat sanay rematch nila ni Horn noong Nobyembre dahil sa pagiging abala nito sa Senado.
—-