Nakikipag-usap na ang Bureau of Internal Revenue (BIR) kay boxing champion at Senador Manny Pacquiao para sa posibleng compromise settlement kaugnay sa kanyang nakabinbing 2.2 billion peso tax evasion case.
Ayon kay Internal Revenue Commissioner Caesar Dulay, nakausap na niya ang mga abogado ni Pacquiao noong Marso upang makipag-negosasyon para sa posibleng compromise agreement.
Gayunman, wala anyang napag-usapang halaga para sa kasunduan lalo’t nasa unang bahagi pa lamang kanilang negosasyon.
Dagdag ni Dulay, hinihintay lamang niya ang pagbabalik ng mga abogado ni Pacman para sa ikalawang sigwada ng negosasyon sa alok na settlement.
Magugunitang nagsampa ng tax evasion case si dating BIR Commissioner Kim Henares laban sa Pambansang Kamao dahil sa kabiguan umano nitong magbayad ng 2.2 billion peso tax mula sa kanyang mga laban sa Amerika noong 2008 hanggang 2009.
Gayunman, ipinunto ng People’s Champ na hindi na dapat siyang habulin ng gobyerno dahil nagbayad na siya ng 8.3 million dollar tax sa US Internal Revenue Service.
By Drew Nacino
Pacquiao humihingi ng compromise agreement sa BIR was last modified: April 18th, 2017 by DWIZ 882