Inamin ni Senador Manny Pacquiao na hindi niya kakayanin ang apat na laban ngayong taon.
Ang pahayag ay ginawa ni Pacquiao makaraang sabihin ni Top Rank Promoter Bob Arum na apat na bakbakan ang gagawin ng Pambansang Kamao sa huling taon ng kanyang karera sa boksing.
Sa press conference sa Camp Crame, nagbiro pa si Pacquiao na kaya niya ang apat na laban kung hahatiin ang 12 rounds sa apat.
Sinabi ni Pacquiao na sinisikap niya na sa kanyang huling taon sa boksing, gawin ang kanyang huling laban dito sa Pilipinas.
Una rito, kinumpirma ni Pacquiao na hiningan niya ng humigit kumulang P3 Billion ang Department of Tourism or DOT para ganapin sa bansa ang kanyang susunod na laban.
By: Meann Tanbio / Jonathan Andal