Ipinagtanggol ni Sarangani Representative at Senator-elect Manny Pacquiao ang hindi nito pagsali sa 2016 Rio Olympics sa kabila ng malakas na panawagan ng ilang grupo.
Ayon kay Pacquiao, batid niyang maraming nagnanais na makapaghatid siya ng ginto para sa bansa ngunit malaki rin ang tungkulin niya sa mga nagtiwala at bumoto sa kanya bilang senador.
Matatandaang isa si Pacquiao sa mga naiproklamang panalo sa nakaraang halalan matapos makakuha ng malaking bilang ng boto sa senatorial race.
Tiniyak naman ng mambabatas na suportado pa rin niya ang mga atleta sa ibang paraan kahit hindi man siya personal na makikilahok sa pandaigdigang palaro.
By Mariboy Ysibido