Itinalaga bilang bagong chairman ng Senate Committee on Ethics si Senador Manny Pacquiao.
Ito ay matapos na walang tumutol sa mosyon ni Majority Floor Leader Juan Miguel “Migz” Zubiri na ihalal bilang Senate Committee on Ethics si Pacquaio kapalit ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na dating may hawak ng komite.
Batay sa patakaran ng Senado, hindi mamumuno ng anumang komite ang Senate President dahil otomatiko itong magiging miyembro ng bawat panel.
Samantala sa isang pahayag sinabi ni Sotto na karapat dapat si Pacquiao bilang pinuno ng nabanggit na komite.
Kabilang naman sa mga reklamong hahawakan ni Pacquiao bilang Senate Committee on Ethics chairmanship ang mga inihain laban kina senador Richard “Dick” Gordon, Antonio Trillanes IV at Risa Hontiveros.
(Ulat ni Cely Bueno)
Sen Manny Pacquiao is the new chairman of senate committee on Ethics.@dwiz882
— Cely O. Bueno (@OBueno) September 18, 2018