Malaki ang posibilidad na muling sumabak sa loob ng boxing ring si fighting Senator Manny Pacquiao sa susunod na taon ayon kay Coach Freddie Roach.
Aniya, maaaring makaharap ng pamabansang kamao si dating American boxing champion Danny Garcia.
Bukod dito ay inilutang din ni Roach ang mga pangalan ng ilang mga boksingero na sina Mikey Garcia at Errol Spence.
Kung matutuloy ang naturang laban ay gaganapin ito sa Pebrero sa susunod na taon.