Ang mga balita tungkol sa labanang Manny Pacquiao Floyd Mayweather ang pinakasinubaybayang balita ng mga Pilipino.
Batay sa survey ng Social Weather Station (SWS) mula June 5 hanggang 8, 78 percent ng mga respondents ang sumubaybay sa mga balita sa May-Pac fight.
Tabla sa ikalawa at ikatlong puwesto ng mga pinaka-sinubaybabayan ay ang ang paglilitis kay pork barrel queen Janet Napoles at ang kaso ni Mary Jane Veloso na nasa death row sa Indonesia sa rating na 57 percent.
Pang-apat sa mga tinutukang balita ng mga Pilipino ang hinggil sa K-12 program sa rating na 52 percent at 51 percent sa agawan ng teritoryo ng Pilipinas at China.
Limampung (50) porsyento naman ng mga respondents ang sumusubaybay sa paglilitis sa Maguindanao massacre case samantalang 48 porsyento ang nakatutok sa imbestigasyon ng senado sa di umano’y katiwalian ng mga Binay sa Makati City.
Hindi nawala sa listahan ang paglilitis sa mga kaso ni dating Pangulong Gloria arroyo na nasa ika-walong puwesto o 46 percent at pang-siyam ang lindol sa Nepal.
By Len Aguirre