Inihayag ng beteranong sports analyst na si Atty. Ed Tolentino na mukhang tinutumbok ng Japanese fight promoter na Rizin Fighting Federation ang muling laban ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao kay Floyd Mayweather Jr.
Ayon kay Tolentino, bagaman kapwa retirado ang dalawang manlalaro, maaari itong pagharapin ng Rizin sa isang exhibition match.
Una rito, inanunsiyo ni Pacquiao na pumirma siya ng one-fight deal sa Rizin. Noong 2015, nakasagupa ni Pacquiao si Mayweather kung saan nagwagi ang Amerikano via unanimous decision.
Gusto sanang bumawi ng Pinoy fighter pero pareho na silang inabot ng retirement.