Hindi malayong mangyari ang inaabangang rematch nina Senador Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Junior, ngayong taon.
Ito, ayon sa boxing analyst na si Dennis Principe ay kahit pa manalo o matalo si Pacman kontra kay Adrien Broner at pansamantalang retirado si Mayweather.
“Hindi ka na magtataka na pagkatapos ng laban nito at manalo si Pacquiao, ay Mayweather na ang susunod na laban, at hindi nating pupwedeng sabihin na si Mayweather ay retirado at kuntento na, remember nung December 31, nagpunta ito ng Japan at lumaban sa di hamak na mas maliit na boksingero, although exhibition lang at tinalo niya for some knockout, pero pera ang dahilan kung bakit. 9 million. So kung ito, kung o-o-offeran mo ng more than hundred million, ay hindi malayo na bumalik muli si Floyd Mayweather Jr.”
Para naman sa sagupaan ngayong araw ng pambansang kamao at Broner ngayong araw, naniniwala si Principe na posible pa rin ang knockout victory para sa senador.
“Yung Pacquiao na lumaban kay Matthysse of last year, ang makikita natin dito sa laban na ito, ay hindi na ako magugulat kung matatapos ito ng knock out sa kalagitnaan or bandang huli, pabor kay Manny Pacquiao. “
(Interview from Todong Nationwide Talakayan)