Nanindigan ang senatorial aspirant na si Sarangani Rep. Manny Pacquiao na hindi nito iiwan ang United Nationalist Alliance o UNA ni Vice President Jejomar Binay.
Ito’y sa kabila ng ulat na ikinukunsidera si Pacquiao bilang isa sa mga senatorial candidate ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Ayon kay Pacman, buo ang suporta niya sa UNA at mayroon siyang isang salita kahit pa kaibigan niya si Duterte na isa ring taga-Mindanao.
Hindi na anya magbabago ang kanyang desisyon dahil naniniwala siya sa plataporma ni Binay partikular ang mga programa para sa mahihirap.
Ikinukunsidera rin Digong sa kanyang senatorial slate sina Leyte Rep. Martin Romualdez, ACT-CIS Partylist Rep. Samuel Pagdilao, Pasig City Rep. Roman Romulo;
Mga dating senador na sina Ping Lacson at Migs Zubiri; dating MMDA Chairman Francis Tolentino at OFW Advocate Susan “toots” Ople.
By: Drew Nacino