Muling nag-negatibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) si Senador Manny Pacquiao.
Ito ang inanunsyo mismo ng senador, matapos siyang sumalang sa testing gamit ang polyremase chain reaction (PCR) kit alinsunod na rin sa payo ni San Lazaro Hospital Infectous Disease Department Head Dr. Rontgene Solante.
Ayon kay Pacquiao, nais niyang bigyang diin sa muling pagsalang sa test na hindi siya carrier ng COVID- 19 maging ang kanyang buong pamilya.
Mahigpit din aniya nilang sinusunod ang protocol sa pag-quarantine at self-isolation sa kanilang bahay.
Una na ring nagnegatibo sa COVID-19 si Pacquiao batay sa isinagawang pagsusuri sa kanya gamit ang rapid test kit mula South Korea.
Maaalalang sinabi ni Pacquiao na ilang mga opisyal sa kanilang village ang pinipigilang makalabas ang kanyang pamilya matapos kumalat sa social media ang posts na dumalo pa sa isang party sa kanilang bahay si Senador Koko Pimentel na nagpositibo sa COVID-19 . Ulat mula kay —Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)