Binigyan ni Top Rank Promoter Bob Arum si fighting Senator Manny Pacquiao ng hanggang Huwebes, Marso 30 para mag-desisyon kung itutuloy ang laban sa darating na Hulyo.
Ito ay kaugnay ng proposal ni Arum na laban sa pagitan nina Pacquiao at Australiyanong si Jeff Horn sa Suncorp Stadium sa Brisbane Australia.
Ayon kay Arum meron na lamang tatlong buwan si Pacquiao para pag-isipan ang laban dahil aniya hindi na makakapaghintay pa sa mas matagal na negosasyon ang Australian government.
Dagdag ni Arum kung hindi matutuloy ang laban ni Pacquiao sa Hulyo ay hahanapan na lamang siya ng ibang katapat sa Nobyembre.
By Krista de Dios