Posibleng sa South Africa gagawin ang susunod na laban ni fighting Senator Manny Pacquiao.
Kasunod ito ng ulat na nakikipag-ugnayan na si Top Rank CEO Bob Arum sa manager ni South African at dating IBO Welterweight titleholder Chris Van Heerden na si Peter Khan.
Ayon kay Arum, gagawin sa Johannesburg ang Pacquiao – Van Heerden bout sa Nobyembre, kung sasagutin ng pamahalaan ng South Africa ang mahigit sa dalawampu’t limang (25) milyong dolyar na premyo sa laban.
By Katrina Valle