Tinangkang saktan ng isang lalaki si People’s Champ Manny Pacquiao sa Hollywood, California.
Ayon sa report ng Spin.ph, nasa parking lot ng isang Japanese restaurant si Pacquiao at aktong aatake mula sa likuran ang isang lalaki para suntukin ang Pambansang Kamao.
Tinawag pa na “homophobic” ng ‘di pinangalanang assailant ang Filipino boxing icon.
Agad naman itong naharang ng mga security detail ni Pacquiao.
Ayon kay David Sisson, Personal Assistant ni Pacman, hindi na nagpatawag ng pulis ang Filipino boxer, sa halip ay inutusan ang kanyang security detail na hayaan nang makaalis ang binansagang “white male”.
By Meann Tanbio