Tuloy ang training ni Senador Manny Pacquiao, dalawang araw bago ang kanyang laban kay Jessie Vargas sa Las Vegas Nevada.
Hindi sinunod ni Pacquiao ang payo ng kanyang coach na si Buboy Fernandez na magpahinga na lamang sa natitirang dalawang araw dahil maaga syang nagsimula ng training noong Agosto.
Labing isang (11) rounds ng jogging ang ginawa ni Pacquiao sa may University of Las Vegas tract oval sa loob ng 28 minuto at 400 sit ups.
Ayon kay Pacquiao, nagpapawis lamang sya at pandagdag lamang ito ng kumpiyansa sa sarili.
Binigyang diin ni Pacquiao na dapat alalahanin na sya ang challenger at kampeon si Vargas kayat hindi sya dapat maging kampante.
“Parang torong baka na nakalabas sa kulungan”
Ito naman ang kundisyong nais na makita ni Coach Buboy Fernandez kay Senador Manny Pacquiao sa ginagawa nilang paghahanda para sa laban nito kay Jessie Vargas.
Hindi rin binigyang pansin ni Fernandez kung mas matangkad man ng tatlong pulgada si Vargas kay Pacquiao.
Kahit anya gaano katangkad ay liliit rin kapag tinamaan sa katawan.
Una rito, sinabi ni Pacquiao na magiging maganda ang laban nila ni Vargas dahil kilala itong lumalaban at nakikipagpalitan ng suntok.
By Len Aguirre