Itinutulak ngayon ni Hall of Famer Coach Freddie Roach ang showdown sa pagitan ni dating eight division world champion Manny Pacquiao at dating world champion Adrien Broner.
Ito ay kahit pa nagretiro na si Pacquiao noong Abril makaraang matalo si Timothy Bradley at nanalong senador nitong nagdaang 2016 elections.
Ayon kay Roach, tiyak na magiging magandang laban ito lalot hindi nalalayo ang istilo ni Broner kay retired undefeated boxer Floyd Mayweather Junior.
Sinabi ni Roach na sakaling maisakatuparan ay kanilang tatargetin ang knockout lalot 2009 na pa nang huling magwagi ang pambansang kamao via technical knockout nang itigil ang laban nila ni Miguel Cotto sa 12th round.
Gayunman, wala pang komento si Pacquiao sa posibleng pagbabalik nito sa boksing.
By Ralph Obina