Wala pang planong tumakbo bilang pangulo ng bansa si Sen. Manny Pacquiao.
Ayon kay Pacquiao, wala pa isip niya ang pulitika lalo’t marami ngayon ang mga taong nangangailangan, naghihirap at nagugutom na kailangan na matulungan.
Ani Pacquiao, lagi siyang namamahagi ng anomang makakaya niya dahil ito ay simbolo aniya ng kaniyang pasasalamat sa dios sa lahat ng biyayang kaniyang natatanggap.
Nagdiwang si Pacquiao ng kaniyang ika-42 kaarawan.