Umabot na sa $26.5 billion ang halaga ng mga remittance o mga perang padala mula sa mga overseas Filipino workers (OFWs) para sa kani-kanilang mga pamilya sa Pilipinas.
Mas malaki ang naturang remittance ng halos tatlong (3) porsiyento kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Halos 80 porsyento ng total cash remittances sa unang sampung buwan ng taon ay nagmula sa Amerika, Saudi Arabia, Singapore, Japan, United Arab Emirates, Qatar, United Kingdom, Canada, Germany at Hong Kong.
Ayon sa ilang economic analyst, malaking tulong ang mga remittances sa ekonomiya ng bansa dahil mas malaki ang pumapasok na pera na nakapagpapalago ng halaga ng piso kontra dolyar.
Inaasahan namang mas lalaki pa ngayong buwan ng Disyembre ang mga padalang pera ng OFWs dahil sa panahon ng kapaskuhan.