Nakabawi nitong Setyembre ang mga remittance o ‘yung mga perang pinapadala ng mga Pinoy na nasa ibayong dagat.
Ayon sa inilabas ng pahayag ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), pumalo sa higit $2.8-B ang personal remittance nitong Setyembre na mas mataas ng 9.1% sa higit $2.6-B na naitala noong kaparehong panahon taong 2019.
Habang ang cash remittance o money transfers sa bangko ay lumago naman sa 9.3-% o sa $ 2.600-B nitong Setyembre mula sa dating $2.379-B noong nakaraang taon.
Mababatid na karamihan sa mga cash remittances sa nakalipas na 9 na buwan ay mula sa mga Pinoy na nasa Estados Unidos, Singapore, Qatar, Hongkong, at Taiwan na tinatayang aabot sa 78.8% ang bilang.
Habang kapansin-pansing bumaba ang remittances mula sa Saudi Arabia, UAE, Germany Kuwait at UK.