Nagsimula na ang siyam na araw na padasal para kay dating Pangulong Ferdinand Marcos bilang paghahanda sa paglilibing nito sa Libingan ng mga Bayani.
Pinangunahan ng bunsong kapatid ni Marcos na si Fortuna Marcos Barba ang nasabing padasal sa Immaculate Concepcion Parish sa Batac, Ilocos Norte na dinaluhan naman ng maraming Marcos loyalist.
Samantala, inilatag na rin ang plano sa araw ng libing ng dating Pangulo.
Sisimulan ito sa pamamagitan ng funeral convoy para sa huling pagsaludo kay Marcos ng kanyang mga kababayan bago ito i-airlift ang kabaong nito patungong Maynila.
Bago dalhin sa Libingan ng mga Bayani ay idadaan muna ito sa simbahan para mabigyan ng huling basbas.
Hindi naman magkakaroon ng funeral convoy sa Kamaynilaan ngunit tiniyak na bibigyan ito ng departure at arrival honor sa pag-alis sa Ilocos, paglapag sa Villamor Airbase at pagdating sa Libingan ng mga Bayani.
By Rianne Briones