Gumuho ang pader ng Quirino Memorial Medical Center dahil sa malakas na pag – ulan at hanging dala ng bagyong Salome sa Quezon City kagabi.
Ayon sa report, naganap ang insidente 10:00 ng gabi sa P. Tuazon Boulevard sa Quezon City, kung saan tatlong sasakyan ang bahagyang natabunan ng bato mula sa gumuhong pader.
Nagsagawa na ng clearing operations ang mga pulis at nakipag – ugnayan na din ang mga ito sa nasabing ospital at Department of Health o DOH para tuluyan nang matanggal ang mga bato.
Kasalukuyan namang hindi pa madadaanan ang isang lane ng P. Tuazon Boulevard sa tapat ng gumuhong pader.