Iginiit ng padre de pamilya ng mag-inang pinaslang sa Cavite na tanging National Bureau of Investigation o NBI lamang ang nais niyang humawak sa kaso ng pagpaslang sa kanyang asawa at anak.
Ito ay sa kabila ng alok na tulong ng Volunteers Against Crime and Corruption o VACC at Public Attorney’s Office o PAO na mag-imbestiga sa krimen.
Ayon kay Ginoong Marlon Gamos, kanya lamang ipagkakatiwala ang imbestigasyon sa NBI dahil maaari lamang aniyang magulo ang kaso kung hahayaan niyang may pumasok pang iba para mag imbestiga dito.
Magugunitang ipinag-utos ng Department of Justice o DOJ sa NBI ang pagsusuri sa kaso ng pagpaslang sa mag-inang Ruby at Shania Nicole Gamos sa kanilang sariling bahay sa Cavite.
—-