Tinanggal na sa listahan ng persons of interest ang padre de pamilya ng minasaker na limang katao sa San Jose Del Monte, Bulacan.
Ayon kay Public Attorney’s Chief Persida Acosta, abogado ni Dexter Carlos, magandang pangyayari ang deklarasyong ito ng Philippine National Police (PNP).
Aniya masakit para kay Carlos na mamatayan at mapagbintangan pa.
Paliwanag ni Acosta dapat maging mapanuri ang mga imbestigador sa pagkalap ng mga ebidensiya.
Kamakailan ay isinama ng pulisya sa mga person of interest si Carlos bukod sa ilan nang naunang naiugnay sa pagpaslang.
Matatandaang ang tatlong idinawit sa massacre na may alyas na Tony, Inggo at Ponga ay pinaslang sa magkakahiwalay na insidente ng hindi pa nakikilalang salarin.
- Arianne Palma