Muling nakatanggap ng pagkilala sa Guinness Book of World Records ang four time World Cup Bowling Champion na si Rafael “Paeng” Nepomuceno.
Ito’y matapos mahigitan ang sariling record bilang winningest tenpin bowler kung saan kasalukuyang merong 133 career titles.
Iniaalay naman umano ni Paeng ang naturang parangal sa kaniyang mga kababayan at sa iba pang aspiring athletes.
Dagdag pa nito, wala na aniya siyang mahihiling pa sa halos limang dekada na niyang larangan sa bowling.