Nagsagawa ng solidarity maritime patrol ang Philippine Air Force (PAF) sa Philippine Rise na dating Benham Rise.
Ito ang inihayag ni PAF spokesperson Lt. Col. Maynard Mariano kasabay ng pag-amin na ang aktibidad ay bahagi ng pagdiriwang ng 123rd Independence Day at 5th anniversary nang pagpapalit ng pangalan ng nasabing undersea features.
Isang tactical military transport aircraft at dalawang fighter jets ang lumahok sa maritime patrol na pinangunahan ng air force, katuwang ang kanilang Tactical Operations Wing Northern Luzon.
Ang Philippine Rise ay matatagpuan sa layong 250 kilometers sa silangan ng hilagang baybayin ng Dinapigue, Isabela.
https://twitter.com/dwiz882/status/1404086360189784067?s=20