Kinilala ng Pangulong Rodrigo Duterte ang tulong ng Philippine Air Force sa laban kontra terorismo partikular sa bakbakan sa Marawi City.
Ito ayon sa Pangulo ay kasunod na rin ng malaking papel ng Airforce para sa tuluyang pagsuwata sa puwersa ng maute group.
Sa kaniyang talumpati sa ika 70 anibersaryo ng Air Force binigyang diin ng Pangulo na umaasa rin siya sa tulong ng Air force para sa rehabilitasyon ng Marawi City at tuluyang pagbalik sa normal ng buhay ng mga residente rito.
Kasabay nito tiniyak ng Pangulo ang pagsusulong ng modernisasyon ng Philippine Airforce sa pamamagitan ng pagbili ng mga dagdag na attack at combat air assets.
By: Judith Larino / Jonathan Andal
PAF pinapurihan ni Pangulong Duterte laban kontra terorismo was last modified: July 5th, 2017 by DWIZ 882