Tiniyak ng Philippine Air Force (PAF) na tutulong din ang kanilang puwersa sa relief operations maliban sa search and rescue sa mga biktima ng bagyong Paeng.
Sinabi ni air force spokesperson Colonel Maria Consuelo Castillo na nakapagsagawa na ang kanilang S-70I Black Hawk at Bell 412 helicopters ng rapid damage assessments and needs analysis sa Cotabato at Maguindanao na labis na naapektuhan.
Bukod dito, naghatid din sila aniya ng relief goods sa mga bayan ng Lebak, Palimbang, at Kalamansig sa Sultan Kudarat province at Datu Blah Sinsuat sa Maguindanao.
Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng air force sa mga lokal na pamahalaan para sa anumang pangangailangan.