Uubra nang makapag apply ang sinumang nais magpalit ng network subalit nais mapanatili ang kanilang celfon number.
Ayon ito kay DICT Acting Secretary Eliseo Rio, Jr. na nagsabing ang unang transfer process ay maaaring isagawa ng telcos anim na buwan matapos ipatupad ang rules and regulations ng Republic Act 11202 o Mobile Number Portability Act o sa January 2020.
Nakasaad sa circular na kung nais ng subscriber na mag avail sa MNP service ay dapat munang mag request sa donor provider ng nine digit USC o Unique Subscriber Code na valid sa 15 araw.
Una nang inilabas ng NTC o National Telecomunnication Commission ang IRR ng nasabing batas at ito ay magiging epektibo sa July 2.