Pinamamadali na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Agriculture ang rehabilitasyon sa Lanao Del Norte na sinalanta ng Bagyong Vinta.
Ayon sa pangulo, mahalagang maisa-prayoridad ang pagsasaayos ng mga nawasak na sakahan dahil ito aniya ang pangunahing pinagkukunan ng pagkain at kabuhayan ng mga residente roon.
Batay sa tala ng Department of Agriculture, tinatayang aabot sa tatlumpu’t walong (38) milyong piso ang naitalang pinsala sa sektor ng agrikultura sa Mindanao na dala ng bagyo.
Giit ng pangulo, tungkulin nilang mga nasa gobyerno na tuparin ang kanilang mandato sa ilalim ng batas lalo na ang pagbibigay ayuda sa panahon ng kalamidad.
(Ulat ni Jopel Pelenio)