Kampante ang Malakanyang na hindi mag-aaklas ang mga sundalo laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay sa harap ng pahayag ni Senador Antonio Trillanes IV na naghihintay lamang ang mga kakilala niyang aktibo sa militar sa sentimiyento ng taumbayan para magpasimula ng panibagong EDSA revolution.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, guni-guni lamang ni Trillanes ang palagay nitong may sasama sa kanyang mag-aklas laban sa pangulo.
Naniniwala si Roque na mas bibigyang bigat ng mga sundalo ang pagmamalasakit ng pangulo para sa Armed Forces of the Philippines (AFP) kaysa aniya kay Trillanes na wala naman aniyang nagawa para kapakanan ng mga sundalo.
Samantala, sinabi ni Roque na wala silang balak patulan ang hamon ni Trillanes na ipaaresto siya sa live camera.